Equatorial Guinea VP, napasuko ang 30 million, pero hindi ang MJ memorabilia!

  • 9 years ago
Mahirap maging prinsipe: anak ng isang dictator, napilitang isuko ang pera at assets sa halagang 30 million dollars --- pero hindi niya pakakawalan ang kanyang Michael Jackson memorabilia!

Ito si Teodoro Nguema Obiang Mangue, na vice president ng Equatorial Guinea, at anak ng malupit na dictator ng bansa, na si Teodoro Nguema Obiang Mbasogo.

Ang prinsipe, na masasabing isang globetrotter at future Kim Jong-Il, ay pinipilit ng US Department of Justice na isuko ang malaking mansiyon na ito…isang Ferrari sa halagang 530,000 dollars…at 10.3 million dollars na naipon mula sa money laundering at mga kickbacks (ahem, Exxon).

Ang pera ay gagamitin sa pagtulong sa mga naghihirap na tao sa Equatorial Guinea, na isang oil-rich country.

Pero mukhang hindi naman puputulin ng US ang kanilang relasyon sa isang major oil supplier, dahil lang sa kanilang napakababang score pagdating sa Human Rights.

Kaya itong si Teodoro Nguema Obiang Mangue ay maaring ma-enjoy ang kanyang Gulfstream jet…ang kanyang Thriller jacket…at ang kanyang pinakamamahal na Michael Jackson gem-encrusted white glove mula sa Bad Tour, na ginastusan niya ng 482,000 dollars noong 1980s.

Huwag na pong maging dictator…pero huwag rin pong ipagdamot ang oil…okay? Thank you!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH